Walang personalan.
Nilinaw ito ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos una nang banatan ang COA kasunod ng inilabas na annual report sa paggastos ng DOH ng P67-B na pondo para COVID-19 response.
Ayon sa Pangulo, batid niya kailangang gawin ng COA ang trabaho nito batay sa utos sa kanila ng batas.
Subalit binigyang-diin ng Pangulo na mayroong epekto ang mga audit report sa government agencies lalo pat hindi maiiwasang mahaluan ito ng pulitika.
Mayruon naman aniyang kalayaang bumatikos dahil kailangang malaman ng mga Pilipino kung ano talaga ang totoo.
Sinabi ng Pangulo na wala naman siyang magagawa sa mga hindi maniniwala sa kanya pero ang government records ang makapagpapatunay kung ano talaga ang totoo.