Nilinaw ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi niya pinepersonal si Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Kasunod ito ng panawagan ni Alvarez na magbitiw sa puwesto si Dela Rosa kasunod ng nangyaring pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo sa loob mismo ng Kampo Crame.
Ayon kay Alvarez, kaibigan niya si Bato ngunit dapat aniya na maging seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng isang PNP Chief na tunay na magpapatupad ng mga pagbabago sa nasabing hanay.
Una nang inihayag ni Bato na handa siyang magbitiw sa puwesto sakaling sabihan siya ni Pangulong Duterte na gawin iyon.
By Jaymark Dagala