Walang Pilipino ang nasawi o nasakatan sa pananalasa ng bagyong Hato sa Hong Kong at Macau sa China.
Ito ang pagtitiyak ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, batay sa impormasyong ibinigay nina Macau Consul General Lilibeth Deapera at Hong Kong Deputy Consul General Roderico Atienza.
Sinabi rin ni Cayetano na tuloy-tuloy lamang ginagagawang monitoring ng mga konsulada ng Pilipinas sa dalawang nasabing mga lugar at tiniyak na nakahanda ang mga ito sa pagbibigay ng tulong sa Pilipinong posibleng maapektuhan ng bagyo.
Kasabay nito, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang DFA sa mga pamilyang naulila at mga nasugatan dulot ng bagyong Hato.
By Krista de Dios