Walang Pilipino ang nasaktan o nasawi sa pagtama ng hurricane Doria sa Bahamas.
Ito ang tiniyak ng Philippine Embassy sa Washington D.C., batay na rin sa iniulat sa kanila ng mga leader ng Pilipino communities sa Bahamas.
Ligtas anila ang lahat ng mga Pilipino sa Abaco at Grand Bahama na labis na nasalanta ng hurricane Dorian.
Batay sa ulat, hindi bababa sa 5 ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng hurricane sa Bahamas na nagdulot pa ng malawakang pagbaha.