Walang Pilipinong nasaktan o namatay sa pagtama ng magnitude 6.6 na lindol sa Aegean Sea na nasa boundary ng Turkey at Greece.
Sa kanyang post sa Twitter, binanggit naman ni Philippine Ambassador to Ankara Raul Hernandez na mahigit 20 ang nasawi habang mahigit 800 ang sugatan.
Samantala, nagpahayag naman ang Department of Foreign Affairs (DFA) na patuloy nitong imo-monitor ang sitwasyon sa Turkey at magpapadala ito ng tulong sa mga apektadong Pinoy.
Sinasabing mahigit 3,000 kababayan natin ang kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa naturang bansa.