Muling tiniyak ng Philippine Embassy sa France na walang Filipinong nasawi o nasugatan sa pag-atake ng Islamic State of Iraq and Syria sa Paris.
Ayon kay Philippine Ambassador to France Maria Theresa Lazaro, wala naman silang natatanggap na ulat na may mga nadamay na Pinoy.
Sa panayam ng DWIZ, pinayuhan ni Lazaro ang mga OFW at mga kababayan na nasa France na huwag munang lumabas ng bahay, manatiling alerto at i-monitor ang sitwasyon sa pamamagitan ng radyo at telebisyon.
Patuloy anya ang assessment ng French government sa security situation sa Paris matapos ang pambobomba at pamamaril ng mga ISIS member na ikinasawi na ng 127 katao.
Tinatayang 12,000 ang bilang ng mga Pinoy na naninirahan o nagtatrabaho sa Paris pa lamang.
By: Drew Nacino