Walang Filipino ang nadamay o nasaktan sa naganap na shooting incident malapit sa Quarry Bay Park sa Hongkong.
Ito ang pagtitiyak ng Department of Foreign Affairs sa kanilang naging pakikipag-ugnayan sa konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong.
Dagdag pa ng DFA, ikinukunsidera din ng Hong Kong police ang insidente bilang isolated case.
Batay sa ulat, apat na magkakapatid na may edad 50 hanggang 72 ang pinagbabaril ng isang babae suspek dahil umano sa away sa pamilya.
Dalawa sa mga biktima ang nasa kritikal na kondisyon matapos tamaan ng bala sa ulo.