Walang Pilipinong nasaktan sa nangyaring pag – araro ng sasakyan sa sidewalk sa Time Square sa New York City, noong Huwebes.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, ito ay batay impormasyon mula sa konsulado ng Pilipinas sa New York, na patuloy na nakikipag – ugnayan sa mga otoridad doon.
Sumampa sa sidewalk noong Huwebes ang humaharurot na sasakyang minamaneho ng isang Richard Rojas na ikinasawi ng isang labing walong (18) taong gulang na babae habang nasaktan naman ang dalawamput dalawang (22) iba pa.
By Katrina Valle