Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na walang Pilipino na nasaktan o nasawi sa ginawang pag atake ng Iran sa US base sa Iraq.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa ngayon ay walang Pilipinong napaulat na nasaktan ngunit hindi pa tapos ang isinagasawang search at damage assessment.
Matatandaang pinuntirya ng Islamic revolutionary guard corps ang Al Asas Airbase na kinaroroonan ng sundalong amerikano bilang ganti sa naging pagpatay ng amerika sa top Iranian general.
Una nang itinaas ang alert 4 sa Iraq kung saan mandatory repatriation na ang ipinatutupad sa naturang bansa dahil sa tumitinding tensiyon duon.