Walang pork barrel na nakapaloob sa panukalang halos apat na trilyong pisong national budget para sa susunod na taon.
Binigyang diin ito ng Malakanyang matapos pag awayan ng ilang kongresista ang anila’y P55 bilyon umanong insertions sa loob ng proposed national budget.
Magugunitang nauwi sa sigawan ang pagtatalo sa kamara matapos pumalag si House Appropriations Committee Chair Karlo Nograles sa kagustuhan ni Majority Floor Leader Rolando Andaya Jr. na alisin ang P55 bilyon na pork na isingit umano sa budget.
Nilinaw ni Nograles na gagamitin ang naturang pondo sa ilang itinurong proyekto mismo ng Malakanyang.
Una na ring nilinaw ng economic managers ng gobyerno sa mga kongresista na pork free ang 2019 panukalang budget at ito ay aprubado ng pangulo.