Walang “premature campaigning.”
Ito ang inihayag ni Commission on Elections Commissioner Antonio Kho, Jr. matapos maglabasan sa telebisyon ang iba’t ibang infomercials ng mga kasalukuyang opisyal ng gobyerno isang taon bago ang May 9, 2022 elections.
Paliwanag ni Kho, ang paglabas ng isang pulitiko o personalidad sa telebisyon at iba pa ay hindi maituturing na pangangampanya dahil hindi pa naman kandidato ang mga ito.
Sa ilalim aniya ng batas, magiging kandidato lamang ang mga taong naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COCs) oras na magsimula na ang campaign period.