Walang pulis na dapat mamahiya o manakit ng mga mahuhuling lumalabag sa health protocols.
Ito ang mahigpit na direktiba ni PNP chief Guillermo Eleazar sa pagsisimula ng muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila simula Agosto 6 hanggang 20.
Binigyang diin ni Eleazar na dapat igalang ng mga pulis ang karapatan ng mga mamamayan.
Kasabay nito nanawagan naman si Eleazar sa publiko na sumunod sa paghihigpit ng gobyerno para na rin sa kaligtasan ng lahat.