Itinanggi ng Philippine National Police ang alegasyong nagbitiw sa pwesto ang ilang mga tauhan nito bilang pagsuporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, matapos arestuhin sa bisa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Jean Fajardo, nirerespeto nila ang iba’t ibang pananaw sa politika ng kanilang mga tauhan ngunit kailangan pa rin aniyang sumunod ng mga ito sa ethical standards.
Samantala, nanindigan ang pambansang pulisya na wala silang ginawang paglabag sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa dating pangulo.
Dagdag pa ni Brig. Gen. Fajardo na ipinagkaloob nila ang kahilingan ni Duterte kaya nagtagal ng dalawang oras bago ito maisakay sa eroplano papunta sa The Hague, The Netherlands.—sa panulat ni John Riz Calata