Dapat ay tanggalin na lang sa pwesto kaysa insultuhin na walang tiwala sa kaniya.
Ito ang pahayag ni Senador Kiko Pangilinan matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatanggalin si Vice President Leni Robredo bilang drug czar ng bansa kung sasabihin nito ang mga “state secrets” sa mga banyaga.
Ayon kay Pangilinan, walang pumipigil sa kanilang tanggalin si Robredo sa nasabing pwesto.
Iginiit din ng senador na hindi kapit tuko sa pwesto ang Bise Presidente at dapat ay itigil na lamang ang mga pambabatikos.
Una nang pinahayag ni Robredo na wala siyang balak umalis sa pwesto maliban na lamang kung iniutos ito ng Presidente.