Nilinaw ng Meralco na hindi kasama sa puputulan ng kuryente ang lahat ng consumer na nasa ilalim ng granular lockdowns sa Metro Manila.
Ito’y sa oras na magbalik ang disconnection activities ng Meralco sa mga consumer na may unpaid bills makaraan ang Setyembre 15.
Sa nabanggit na petsa magtatapos ang implementasyon ng modified enhanced community quarantine at papalitan na ng bagong quarantine protocol sa NCR.
Sa sandaling isailalim ang Metro Manila sa general community quarantine ay balik na sa pamumutol ng kuryente ang naturang power distributor.
Una nang inanunsyo ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga na may taas-singil sila ngayong buwan na aabot sa 0.10 sentimos kada kilowatt hour o dagdag P21 sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatt hour.—sa panulat ni Drew Nacino