Tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA patuloy magiging matatag ang Pilipinas at tututukan nito ang anumang banta ng terorismo sa bansa
Ito ang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr kasunod ng nangyaring pagpapasabog sa Saudi Arabia kahapon
Ayon kay Yasay, walang puwang ang takot at karahasan sa bansa maging saan mang panig ng mundo
Kumpiyansa naman ang kalihim na prayoridad ng militar at ng mga awtoridad ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga Pilipino kaunod ng kaliwa’t kanang pag-atake ng mga terorista sa ibayong dagat
By: Jaymark Dagala