Mariing pinabulaanan ng Quezon City Police District o QCPD na mayroong quota sa pag-aresto sa mga tambay na lumalabag sa mga ordinansa sa kanilang lugar.
Ayon kay QCPD Director Senior Superintendent Joselito Esquivel, wala silang direktiba na may kailangang maabot na bilang ng aarestuhing tambay.
Sinabi Esquivel na tanging ang utos lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hulihin ang mga tambay na kinakikitaan ng posibilidad na gumawa ng gulo o makapang-abala sa lansangan.
Batay sa pinakahuling tala ng National Capital Region Police Office o NCRPO umabot na sa 28,087 ang mga tambay na naaaresto sa Metro Manila mula nuong June 13 hanggang July 3.
—-