Walang isasarang kalsada sa Metro Manila sa pagsisimula ng ASEAN Foreign Minister Meeting maliban lamang sa paligid ng PICC Complex sa Pasay City.
Sinabi ni DFA Spokesman Robespierre Bolivar na minimal lamang ang isasarang mga kalsada at re routing dahil sa iisang lugar lamang gagawin ang pagpupulong ng foreign ministers at senior officials mula sa 27 bansa.
Ayon kay Bolivar magkakaruon ng parada sa August 8 para sa ceremonial lighting ng ASEAN lantern mula sa Luneta hanggang CCP Complex at isasara ang south lane ng Roxas Blvd. na tatagal lamang ng isa o dalawang oras.
Tinatayang halos 2000 bisita ang dumating at darating pa para sa ASEAN Ministers Meeting na nagsimula kahapon hanggang sa August 8.