Nilinaw ng Department of Trade and Industry o DTI na isa lang sa mga branded na tinapay ang nagtaas ng kanilang presyo at hindi kabilang ang Pinoy tasty at pandesal.
Ayon kay DTI Undersecretary Ted Pascua, piso o mas mababa pa ang itinaas sa presyo ng branded na tinapay at nananatili naman sa dating halaga nito ang mga pangmasang tinapay.
Sinabi rin ni Pascua na hindi sila inabisuhan ng bread manufacturers kaugnay sa nasabing taas sa presyo.
Gayunman nilinaw ni Pascua na hindi ito mandato ng manufacturer dahil hindi naman kasama sa SRP o Suggested Retail Price ang kanilang produkto.
“Hindi kami inabisuhan na sila’y magtataas pero hindi rin naman ito mandato sa kanila dahil hindi covered ng SRP ang kanilang produkto, pangalawa talagang merong pagtaas ng halaga ng wheat, epekto niyan taas din ng flour, pati na rin ang diperensya ng dolyar sa piso.” Ani Pascua
Itinanggi naman ito ni Ginoong Walter Co, Treasurer ng Philippine Baking Industry Group at sinabing inabisuhan nila ang DTI na maghanda sa dagdag na presyo sa tinapay na bunsod na rin ng pagtaas sa presyo ng harina.
“Nag-advise din kami sa DTI na i-expect ang price increase this August, nag-increase kami nasa 3rd week na, hindi po yun bigla-bigla, may advise coming from flour millers na tataas ng P40-50 per bag of flour.” Pahayag ni Co
(Balitang Todong Lakas and Ratsada Balita Interview)