Walang namo-monitor na anumang banta ng terorismo ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa nalalapit na Araw ng mga Patay at idaraos na ASEAN Summit sa Nobyembre.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, wala sa kanilang radar na may mga nagnanais na maghasik ng karahasan sa naturang mga okasyon.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Albayalde ang mga magtutungo sa sementeryo sa Undas na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay at bantayan ang mga bitbit na bata.
Batay sa tala ng NCRPO, tinatayang nasa 2,500 pulis ang ipapakalat sa buong Metro Manila sa mismong Araw ng mga Patay.
—-