Tila hindi alam ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang kanyang trabaho.
Ito ang inihayag ni Senator Koko Pimentel sa kabila ng maraming usaping pang-enerhiya ang dapat ng kalihim sa halip na pulitika ang asikasuhin.
Ayon kay Pimentel, usaping pang enerhiya ang produktong petrolyo kaya’t dapat lamang gawin ni Cusi ang maghanap ng paraan upang maibsan ang walang puknat na price increase.
Dapat anyang tugunan at aksyunan ng Department of Energy ang napakataas ng presyo ng langis at tiyakin ang sapat na supply ng kuryente sa bansa sa pagpasok ng tag-init, lalo na sa araw ng halalan. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)