Hindi nakahawa ang dalawang Overseas Filipino Workers (OFWs) bago na-detect sa mga ito ang India variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dahil sa ipinatutupad na mahigpit na border protocols kaya’t nai-quarantine aniya ang mga nasabing pasyente bilang pagsunod na rin sa isolation, testing at quarantine protocols.
Sinabi pa ni Duque na imposibleng ma-expose sa iba ang dalawang kasong nakumpirmang B.1.167 nang hindi aniya nalalaman ng mga otoridad.
Kasabay nito, ipinabatid ni Duque na irerekomenda niya ang mas mahigpit na border control para sa mga pasahero mula sa mga bansa sa Middle East, base na rin sa rekomendasyon ng kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas.
Hihilingin din aniya niya ang advice ng WHO kaugnay sa pagpapalawig ng travel ban sa mga bansang may kaso ng India variant.