Inihayag ni National Commission of Senior Citizens (NCSC) Chairman Franklin Quijano na ang mga naniniwala sa conspiracy theories tungkol sa bakuna ay ang mga mas nakababata.
Aniya, maraming matatanda ang walang pag-aalinlangan sa bakuna dahil ito ay naituro noong sila ay nasa elementary at high school pa lamang.
Dahil dito, handa ang mga nasabing indibidwal na magpabakuna ngunit may ilan na takot pa rin sa karayom.
Hinikayat naman ni Quijano ang mga Local Government Units (LGUs) na pa-igtingin pa ang kanilang kampanya at sundin ang mga panuntunan kaugnay sa COVID-19 inoculation. – sa panulat ni Airiam Sancho