Kinansela na ng Navotas City ang klase sa lahat ng antas, public at private, sa Lunes, Marso 9, 2020, dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa isang Facebook post ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, ipinanawagan pa nito sa Department of Education (DepEd) na isagawa ang ‘automatic passing’ sa lahat ng estudyante ngayong school year para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.
Samantala, nag anunsyo din ng #WalangPasok si Cainta Mayor Kit Nieto sa lahat ng antas sa Cainta mula ngayong Sabado, Marso 7, hanggang sa Martes, Marso 10.
Ayon kay Nieto, ito’y para magbigay daan sa pagbibigay ng karagadang face mask, vitamin C, at sanitizers sa lahat ng estudyante sa Cainta upang makaiwas sa COVID-19.
Nirekomenda din ng alkalde ang pagsusuot ng mask sa lahat ng mga public utility vehicles (PUVs) sa lugar kabilang ang mga jeepney at tricycle drivers.
Una nang nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng unang kaso ng local trasmission ng COVID-19 sa Pilipinas matapos magpositbo ang mag-asawang Pilipino sa naturang virus kahit pa wala itong travel history abroad.
Sa ngayon, pumalo na sa 6 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 at nananatili sa isa ang bilang ng namatay dito.