Walang epekto sa Malacanang ang “walk for life” ng Catholic Bishops Conference of the Philippines noong sabado para kundenahin ang serye ng mga pagpatay sa bansa pati na ang pagnanais ng gobyerno na buhayin ang death penalty.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinikilala ng palasyo ang freedom of expression kayat malayang nakapagsagawa ng ganitong aktibidad ang CBCP.
Bukod dito, sinabi ni Abella na bahagi ito ng demokrasya sa bansa kaya walang ginawang pagtutol dito ang gobyerno.
Mismo aniyang si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpahayag noon na malaya ang sino mang grupo na maglunsad ng kilos protesta basta huwag lamang maperwisyo ang publiko at hindi makapagdulot ng problema sa trapiko.
By: Aileen Taliping