Inaprubahan na ng Quezon City Government ang walk-in COVID-19 vaccination sa mga mall at ilang establisyimento sa lungsod.
Ayon sa lokal na pamahalaan, papayagang pumunta ang mga indibidwal sa QC protektodo booths sa loob ng mga malls, kung saan bibigyan sila ng walk-in stub na may petsa at oras sa kanilang pagbabakuna.
Magkakaroon ng 150 doses ng Aztrazeneca vaccine ang bawat vaccine sites para sa mga walk-in resident.
Kabilang sa mga malls at establisyimentong inilaan sa pagbabakuna ay ang mga sumusunod:
*January 25 hanggang 26 sa:
Sm Skydome
Ayala Trinoma
Ayala Cloverleaf
Sm North Edsa Drive Thru
Sm Centerpoint
* January 26 lang
Elements Centris
*January 25 hanggang 29 sa:
Ever Commonwealth
Robinsons Magnolia
Eastwood City
Robinsons Novaliches
Sm Novaliches
January 27 hanggang 29 sa:
Ayala Fairview Terraces
Ayala Up Town Center
Robinsons Galleria
Waltermart Edsa
Sm Fairview
Sm Fairview Drive-Thru
Fishermall
Samantala, nagpaalala ang QC LGU na kanilang uunahin ang mga residenteng nagparehistro online o sa kani-kanilang barangay. —sa panulat ni Angelica Doctolero