Hindi dapat tanggihan ang mga walk-in para sa tatlong araw na National Vaccination Day sa November 29 hanggang December 1.
Binigyang-diin ito Dr. Kezia Rosario ng national vaccination operation center sa gitna ng ikinakasang malawakang bakunahan kontra COVID-19.
Ayon kay Rosario, walang problema kung walk-in ang sinumang gustong magpabakuna at kahit saan pa nila nais makatanggap ng COVID-19 vaccine ay maaari ring gawin.
Kailangan lamang anyang magpakita ng valid ID bilang requirement bago magpa-rehistro upang mapabilis ang proseso, maliban na lamang sa mga kailangan talagang magpakita ng medical certificate.
Tiniyak ni Rosario na magkakaroon ng access ang lahat ng Pinoy na nais magpabakuna at siguradong maibibigay ng gobyerno ang serbisyo nito sa mga nangangailangang mabigyan ng proteksyon laban sa COVID-19.—mula sa panulat ni Drew Nacino