Binuksan na ng Manila City Government ang ilang vaccination sites para sa walk-in kahit pa hindi residente ng lungsod.
Isang grupo ng mga residente ng Carmona, Cavite ang nakitang nakapila sa labas ng isang mall sa Maynila para magpaturok ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Ayon sa grupo, wala pa silang nakukuhang advisory kung kailan uubrang mabakunahan sa kanilang LGU kaya’t nagbaka sakali na sa Maynila dahil kailangan nilang maturukan lalo na’t araw-araw silang lumalabas para mag trabaho.
Ipinabatid ng Manila LGU na ang walk-in vaccines ay tatanggapin sa 45 health centers sa buong lungsod bukod pa sa apat na malls dito bagama’t para lamang sa unang dose ng COVID-19 vaccine.