Ipagbabawal na ng Department Of Health (DOH) ang “walk-in” vaccinations sa Metro Manila sa sandaling ipatupad na ang mas mahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ), simula Agosto 6.
Ito, ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire ay upang maiwasan ang kumpulan at hawaan ng virus.
Kinumpirma naman ni Vergeire na maaari nang magpabakuna sa NCR kahit ang mga hindi kasali sa “priority list”.
Gayunman, nakadepende pa anya ito kung sapat ang suplay,mas uunahin pa rin daw turukan ang mga nasa vulnerable sector na nasa priority list kung nagkataon.
Aabot na sa 196.55 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa mundo batay sa huling datos ng World Health Organization.—sa panulat ni Drew Nacino