Magsasagawa ng “walk of faith o lakad pananampalataya” sa Enero 2023 bilang bahagi ng pagdiriwang ng pista ng itim na Nazareno.
Ayon kay Quiapo Church Attached Priest Fr. Earl Allyson Valdez, bagaman ipagpapaliban ang nakagawiang traslacion ng poong Nazareno ay magkakaroon naman ng walk of faith sa enero a – 8 o isang araw bago ang pista.
Magsisimula anya ito sa pamamagitan ng banal na misa alas dose ng hatinggabi sa Quirino grandstand na susundan ng walk of faith.
Kasalukuyang isinasapinal ang rutang daraanan mula grandstand patungong Quiapo church.
Sa kabila nito, ipinaalala ni Valdez sa mga debotong lalahok sa walk of faith na magdala ng kandila at mahigpit na sundin ang ipatutupad na health protocols.
Napagkasunduan din ng pamunuan ng menor basilica ng Quiapo at lokal na pamahalaan ng Maynila ang mahigpit na pagpatupad ng pagsusuot ng face mask.
Ito na ang ikatlong taon na ipinagpaliban ang tradisyunal na traslacion ng poong Hesus Nazareno dahil pa rin sa covid-19 pandemic.