Payapang nagtapos ang malakihang martsa kontra kahirapan o worldwide walk to fight poverty ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo.
Ayon kay NCRPO Chief Camilo Cascolan, wala silang naitalang anumang ‘untoward incident’ sa aktibidad.
Umabot sa isa’t kalahating milyong katao ang lumahok sa martsa sa Roxas Boulevard at Quirino Grandstand.
Kabilang sa mga personalidad na dumalo sa aktibidad ay sina Special Assistant to the President Bong Go, Presidential Communications Secretary Martin Andanar at Senator JV Ejercito.
Nasa 3,000 pulis ang ikinalat ng Manila Police District para sa aktibidad.