Dapat munang pataasin ang “Wall of Immunity’’ ng populasyon bago pahintulutan ng pamahalaan ang optional na pagsusuot ng face masks sa labas ng bahay.
Ito’y ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kung saan sinabi pa nito na dapat maging protektado laban sa COVID-19 ang lahat ng vulnerable sectors.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos na papayagan ang optional na paggamit ng face masks kung magiging matagumpay ang booster roll-out sa bansa.
Batay sa datos hanggang nitong July 11, pumalo na sa 71 million ang bilang ng mga fully vaccinated laban sa COVID-19 habang halos 15.3 million naman ang nakatanggap na ng kanilang first booster shots.