Humarap na ang gambling middleman na si Wally Sombero sa pagdinig ng senado ukol sa bribery scandal sa Bureau of immigration o BI.
Sa naturang pagdinig, iginiit ni Sombero na siyang assistant ng gambling tycoon na si Jack Lam, hiningan sila ng P100-M ni dating Immigration Deputy Commissioner Al Argosino kapalit ng paglaya ng 1,316 na chinese workers na naaresto sa Fontana Leisure Park.
Nangyari aniya ito nuong Nobyembre 26 ng nakaraang taon kasama si Lam at dalawang interpreter na sina Alex Yu at Norman Ng at Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ayon naman kay Yu, nagkasundo sila ni lam na magbigay ng paunang limampung milyong piso.
ang hinihingi aniyang isandaang milyong piso ni argosino ay bilang piyansa ng mga naarestong manggagawang Chinese.
kwento ni sombero, sa pamamagitan nina alyas martin at garfield … naibigay ang dalawang bag na naglalaman ng limampung milyong piso kina argosino at deputy commissioner michael robles sa city of dreams.
By Ralph Obina