Humarap na sa unang pagkakataon sa Senado si Wally Sombero para sa ika-apat na pagdinig ng Blue Ribbon Committee sa bribery scandal sa Bureau of Immigration.
Sa kanyang naging opening statement, sinabi ni Sombero na tuluyang pinapatay ng kontrobersyal na P50-million BI scandal ang industriya ng online gaming sa Pilipinas.
Aniya sinisikap sana niyang mag-iwan ng legacy sa bansa may kaugnayan sa serbisyong ibinibigay ng online gaming ngunit nasira ito ng kontrobersiya.
“Unfortunately, my painstaking efforts to save the industry engulfed me in a controversy that has likewise pushed the online gaming service industry in the brink of extinction.” Ani Sombero
Idinagdag ni Sombero na sang-ayon siya na ma-regulate ang gaming industry sa bansa.
“Believe it or not, I truly wanted to help President Duterte’s administration in as much as I was totally convinced that the Filipino people has finally elected a president who is sincerely committed to reform and have the political will to execute the necessary actions.” Dagdag ni Sombero
Sa pagdinig, sinabi din ni Sombero na nagsilbi siyang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa loob ng 27 taon hanggang noong 2000.
Si Sombero ang itinuturong middleman ng Chinese gambling tycoon na si Jack Lam at sinasabing nanuhol sa 2 Immigration officilas na sina Al Argosino at Michael Robles para sa pagpapalaya ng mga illegal Chienese workers na inaresto sa Clark Pampanga.
—Aiza Rendon