Nakatakdang dumating sa bansa sa Martes, Pebrero 14, alas-7:30 ng umaga, si Wally Sombero, ang dating pulis at sinasabing middle man ni gambling tycoon Jack Lam.
Sinabi ng source ng DWIZ na susunduin ng mga kawani ng NBI o National Bureau of Investigation si Sombero, sa paglapag ng kanyang eroplano mula sa Vancouver, Canada.
Si Sombero ay nakatakdang humarap sa pagdinig sa Senado kaugnay sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI) sa Pebrero 16 ng umaga.
Related Article: (READ) Wally Sombero posibleng ideklarang wanted sakaling hindi na umuwi ng bansa
By Katrina Valle | Report from Raoul Esperas (Patrol 45)