Napa-amin ng grupong BAYAN o Bagong Alyansang Makabayan ang hirit na 8 pisong dagdag singil sa tubig ng mga water concessionaire na Maynilad at Manila Water.
Ito’y kasunod ng isinagawang public consultation kahapon na isinagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kaugnay ng hirit na water rate hike.
Sa pagtatanong ni Renato Reyes, Secretary General ng grupo, lumutang na 8.30 kada cubic meter ang nais itaas ng Manila Water habang 11 pesos naman ang sa Maynilad.
Nabunyag din ang plano ng dalawang kumpaniya ng tubig na ipasa sa mga konsyumer ang binabayaran nilang corporate income tax na ayon sa MWSS ay hindi lehitimong business expense kaya’t hindi dapat isama sa taripa.
—-