Patay ang walo katao kabilang ang apat na miyembro ng security forces sa isang Jihadist raid sa isang malaking lungsod sa southeast Niger na malapit sa Nigeria border.
Ayon sa mga otoridad nilusob at pinagbabaril ng mga armadong miyembro ng Islamic State West Africa Province (ISWAP) na breakaway group ng Boko Haram ang 15 sasakyan sa lungsod ng Diffa.
Narekober ng mga otoridad sa lugar ang rocket launchers, mortar at maraming bala gayundin ang mobile phones, droga at mga pang iniksyon.
Dahil sa nangyari nag-panic ang mga residente ng Diffa bagamat bahagyang kumalma na ang mga ito.
Ang Diffa ay itinuturing na tahanan ng 300,000 refugees at displaced people na tumakas sa Jihadist fighters.