Nasa walo ang patay nang mahulog sa bangin ang isang jeepney sa bayan ng President Roxas, lalawigan ng Cotabato.
Ayon sa report, patungo sana sa Bayan ng Arakan ang naturang jeepney mula Kidapawan City nang mangyari ang aksidente.
Puno ng mga pasahero at kargamento ang naturang jeepney nang mawalan ng preno sa kurbadang bahagi ng kalsada na siyang dahilan ng pagkahulog nito sa bangin na may lalim na animnapung (60) talampakan.
Kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang pulisya sa pamilya ng mga nasawi habang agad namang isinugod sa pagamutan ang mga sugatang pasahero.