Kinumpirma ng local doctor ng Medina Hospital na si Dr. Abdulkadir Adam na 8 ang patay habang 9 na indibidwal pa ang sugatan sa naganap na pagsabog sa international airport ng Mogadishu, Somalia.
Ayon sa mga otoridad, posibleng mga Al-Shabab Extremist Group ang may kagagawan ng pagsabog na sinasabing madalas na nagsasagawa ng pambobomba at gulo sa nabanggit na lugar.
Inaalam pa ng mga opisyal kung mayroon pang mga indibidwal na nadamay matapos ang pagsabog. —sa panulat ni Angelica Doctolero