Walang bank accounts ang mayorya ng mga Pinoy.
Ito ang lumabas sa consumer finance survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP kung saan walo sa sampung pinoy o katumbas ng walumpu’t apat na porsyento ng mga Pilipino ang hindi nag-iimpok ng pera sa bangko dahil sa samu’t saring kadahilanan.
Ayon kay BSP Department of Economic Statistics Director Rosabel Guerrero, nangungunang rason ng hindi pagkakaroon ng bank account ng mga Pinoy ay ang kawalan ng sapat na pera.
Ilan naman ang nagsabing hindi nila kailangan ng account o hindi nila kayang i-manage ito. May mga Pinoy naman na nagsasabing hindi aaccessible ang mga bangko at masyadong mataas ang service charge sa mga ito habang marami rin ang nagsabing wala silang tiwala sa mga bangko.
Dahil dito, sinabi ni Guerrero na malaking hamon sa BSP na mahimok ang publiko na simulan ang pag-iimpok sa mga bangko.
By Ralph Obina