Nag positibo sa red tide toxin ang katubigan ng walong bayan sa lalawigan ng Bataan.
Nagtaas na ng red tide alert ang BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga bayan ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal.
Una nang nakitaan ng nakakalasong Algal Bloom ang mga otoridad sa katubigang nasa kanlurang bahagi ng Manila Bay.
Dahil dito pinayuhan ng BFAR ang publiko laban sa paghango, pagbebenta, pagbili at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish o alamang sa mga lugar na nakataas ang red tide toxin.
Samantala nananatili ang red tide alert sa coastal waters ng Daram Island, Irong Irong Bay, Maqueda Bay at Villareal Bay sa Western Samar Matarinao Bay sa Eastern Samar, Carigara Bay sa Leyte Inner Malampaya Sound, Taytay at Puerto Princesa Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan , coastal waters ng Mandaon sa Masbate at Cambatutay Bay sa Western Samar.