Dead on the spot ang isang walong buwang buntis matapos siyang makuryente sa Diadi, Nueva Vizcaya.
Ayon sa awtoridad, nagwawalis sa paligid ng isang water pump ang ina ng buntis nang makuryente ito sa barangay arwas.
Tinulungan siya ng anak, ngunit nakuryente rin ang biktima.
Dinala sa ospital ang mag-ina, ngunit hindi na umabot ng buhay ang anak nitong buntis.
Nagpapagaling sa kasalukuyan ang kaniyang ina.
Lumabas sa imbestigasyon na tatlong araw nang hindi gumagana ang water pump at posibleng nabasa ang linya ng kuryente dahil sa pag-uulan na hatid ng bagyong Enteng.