Ni-raid ng mga miyembro ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group o PNP-ACG ang tanggapan ng lending application na Realm Shifters BPO Services matapos makatanggap ng reklamo mula sa isang pulis sa Pasig City.
Ayon kay PNP-ACD Spokesperson Michelle Sabino, inireklamo ng biktimang pulis ang lending company dahil sa modus na pagha-harass sa pamamagitang ng text, kung saan binabantaan ito na papatayin at ipo-post sa mga social media bilang scammer.
Hindi bababa sa 3,000 pesos ang pautang ng lending agency pero dahil sa mataas na interest rate, p1,800 lamang ang natatanggap ng mga may utang, na maaari nilang bayaran mula pito hanggang labing apat na araw.
Nasakote ng mga awtoridad ang walong ahente ng isang online lending agency.
Nasamsam sa raid ang mga computer na ginamit sa operasyon ng lending company at ang mga mobile phone ng limaput pitong empleyado.
Sinabi ni Sabino na iniimbestigahan pa ng mga pulis kung may mga lehitimong papeles ang kumpanya.