Ipinadedeport na ng Department of Justice (DOJ) si suspected Chinese gambling lord Wang Bo.
Kasunod na rin ito nang pagbasura ng DOJ sa motion for reconsideration ni Wang kung saan pinapabaligtad nito ang unang desisyon sa kaniyang summary deportation.
Ayon sa resolusyon, walang nakitang kongkretong batayan ang DOJ para pagbigyan ang mosyon ni Wang dahil sapat na ang isinumiteng ebidensya ng Chinese embassy para ipadeport at ipakansela ang pasaporte ng dayuhan.
Wala ring makita ang NBI na matibay na ebidensya sa mga alegasyong nagkaroon ng bayaran sa Immigration pabor kay Wang.
Ang natanggap umanong pera mula kay Wang ang ginamit na para suhulan ang mga kongresista para ipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kamara.
By Judith Larino | Bert Mozo (Patrol 3)