Ide-deport na ng Bureau of Immigration (BI) sa susunod na linggo, ang kontrobersyal na puganteng Chinese na si Wang Bo.
Ayon kay Immigration Commissioner Sigfrid Mison, ito ay matapos nilang makumpleto ang mga kinakailangang dokumento, at batay na rin sa kahilingan ng Chinese Embassy.
Sinabi ni Mison na sakali man magkaroon ng pagkaka-delay sa deportasyon, ito ay dahil lamang sa ilang protocol na kailangan nilang sundin.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)