Tinapos na ng House Committee on Good Government ang pagdinig nito hinggil sa umano’y panunuhol ng negosyanteng si Wang Bo.
Ayon kay Pampanga 3rd District Rep. Oscar Rodriguez, Chairman ng Komite, ito’y dahil sa wala namang nailatag na ebidensya laban sa mga sangkot na mambabatas na umano’y tumanggap ng suhol para bumoto pabor sa pagpasa ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Dahil dito, tila inabsuwelto na ni Rodriguez ang mga naturang mambabatas dahil hindi rin naman nagbigay ng pangalan ang reporter ng pahayagang Manila Standard na si Christine Hererra para suportahan ang kaniyang alegasyon.
Inaasahang maglalabas ng committee report hinggil dito ang nasabing komite.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)