Inaabangan na ng higit-kumulang labing-limang milyong (15M) bumoto sa bagong halal na Pangulo na si Rody Duterte, kung sino ang hahawak sa Anti-Crime Portfolio.
Ito kasi ang nasa top priority agenda ng Duterte Adminsitration sa oras na siya ay makapanumpa sa kanyang tungkulin bilang ika-16th President ng bansa.
Laman ng pangako at gagawing aksiyon ni Presidente Rody ay matigil ang kriminalidad at ito ay maisasakatuparan sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan lamang.
Bagamat maraming kritiko ang di bilib dito, tiyak masusubukan ang kakayahan ng Duterte Administration, lalo’t ito marahil ang naging susi ng kanyang pagkakapanalo.
Batid natin, hindi kaya ng Pangulo na solohin itong hakbang na sugpuin ang mga salot sa lipunan, tulad ng mga drug lord, rapist, holdaper at yaong mga korap na opisyal ng gobyerno.
Dapat dito ay may katuwang na ika-nga “Anti-Crime Czar”, na siyang tututok sa mga plano ni President Rody.
Sa eksklusibong panayam ng inyong lingkod kay Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Chairman Martin Dino, na mas kilalang dating Quezon City Barangay Chairman, at nag-sakripisyo para palitan siya ni Duterte sa pampangulohang posisyon, sinabi niya na posibleng sa kanya ibigay ang naturang portfolio.
“Crime fighting po ang aking forte, so posibleng doon po ako malalagay”, tugon ni Chairman Dino.
Katunayan, pinatawag na siya ni President Rody sa Davao upang pag-usapan ang mga hakbang kung paano maisakatuparan ang kanilang aksiyon kontra kriminalidad.
Isiniwalat ni Chairman Dino na may listahan na sila ng mga malalaking taong nasa likod ng sindikato, ilan dito ay mga Local Government officials at sa hanay ng pulisya. “Magugulat kayo meron ng mga Mayor, Bgy. Captain at mga pulis na iniimbestigahan natin sa droga at graft and corruption. Mga Mayor ay involve sa illegal drugs.”
Ang masaklap pa nga rito, ay naka-kopo pa ng posisyon ng gobyerno itong mga Mayor na ito dahil sila ay nare-elect pa.
Ang kakapal ng mukha nitong mga alkalde na ito!
Sigurado akong nagkukumahog na ang mga ito at ayaw nilang makasalubong pa ang bagsik at tapang ni President Rody.
Sa hanay naman ng pulis, may apat na Heneral ng PNP ang sangkot umano sa illegal drugs at patuloy na nila itong inoobersbahan at background check.
Sila pa itong mga salot sa lipunan dahil paliwanag ni Chairman Dino, ay may nagaganap umanong pagre-recyle ng nakukumpiska nilang ilegal na droga.
Kaya naman, dahil sa pagsisiwalat nito ni Chairman Dino, kaabang-abang itong eksena, at sa loob ng taning na ibinigay ni President Rody, siguradong may masasampolan dito at ito ay ikagagalak ng mga bumoto kay Digong!
Kung gusto natin ng pagkalahatang pagbabago, aba’y huwag nating iaasa lamang ito kay President Rody, tayo po ay may pupuwedeng iambag upang itong mga kriminal na ito ay may paglalagyan.
Paano?
Huwag matakot na magbigay ng impormasyon at ituro ang mga sangkot sa kriminalidad at manalig sa ibibigay na proteksiyon ng ating President Rody!!
previous post