Nagpakamatay ang isang wanted na Koreano sa banyo ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Ayon sa ulat, natagpuan ang katawan ng Koreanong si An Sang Kwan kung saan nakatali pa ang leeg nito sa strap ng kanyang bag na nakakabit naman ang dulo sa plastik hook ng pintuan.
Dumating kahapon ang Koreano ngunit hindi ito pinayagang pumasok sa bansa matapos na makita sa record na pinaghahanap ito ng mga awtoridad sa Korea.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang alamin kung talagang walang foul play sa pagkamatay ng biktima.
South Korean Embassy
Naipaalam na ng pamunuan ng NAIA Terminal sa South Korean Embassy ang pagpapakamatay ng isang kababayan nila sa loob ng paliparan.
Ipinabatid ito ni Transportation Spokesperson Cheri Mercado matapos matagpuang nakabitin sa loob ng comfort room ng exclusion ng Bureau of Immigration ang biktimang si An Sang Kwan gamit ang strap ng kanyang bag.
Ang naturang dayuhan ay dumating sa bansa kahapon ng umaga mula sa Taipei subalit hindi pinayagang makapasok ng bansa ng Immigration officials.
By Rianne Briones | Judith Larino | Report and Photo Courtesy: Raoul Esperas (Patrol 45)