Isa na namang kilabot na miyembro ng Communist Terrorist Group na CPP-NPA ang nadakip ng mga awtoridad sa ikinasang operasyon sa San Juan City kaninang umaga.
Kinilala ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang naaresto na si Maria Natividad Castro na miyembro ng CPP Central Committee at pinuno ng CPP-NPA National Health Bureau na nakabase sa Butuan City.
Pinangunahan ng Police Regional Office 13 o CARAGA katuwang ang AFP, NCRPO at San City Police ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Natividad dahil sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention.
Naaresto si Natividad sa kaniyang tinutuluyan sa Brgy. San Perfecto.
Pinapurihan naman ni Carlos ang CARAGA police gayundin ang Militar dahil sa kanilang masidhing paglaban sa komunistang grupo.