Inihahanda na ng Bureau of Immigration (BI) ang deportation sa isang overstaying na South Korean na wanted sa kanilang bansa dahil sa kasong swindling.
Nadakip ng mga operatiba ng fugitive search unit ng Bureau of Immigration ang 54-anyos na si Eom Jae Hwa sa Clark, Pampanga noong Hulyo 31.
Nabatid na pumasok si Eom sa isang transaksyon noong February 28, 2011 sa isang kumpanya sa Pohang, South Korea para sa delivery ng limang set ng bio-diesel production machine sa China.
Inexport at idineliver ang mga naturang makina, subalit hindi umano ito binayaran ni Eom tulad ng ipinangako nito.
By: Meann Tanbio